My current mood:
Chapter III
Monday, check up ni gina pumunta siya sa OPD, siya ang duty, tinimbang ni thor si gina kinunan ng BP at iba pa, after niyang timbangin si gina may inabot siyang papel dito.
Binuklat agad ni gina ang papel dahil bka may laman n nmn itong pera, pero isa pala itong note.
"I'm staring at you right now.... God you're so pretty!"
Pag lingon niya ay nakaupo sa isang monoblock chair si thor at nakatingin nga sa kanya. She felt her face flushed. Pagkatapos ng check up na yun, naulit pa ang mga pagtawag tawag ni thor at pagdalaw kay gina, Isang hapon dinalaw ni thor si gina sa bahay, tinanong nito kung may chance ba siya kay gina, rank from 1 to 10 ano daw ang standing nito. sabi ni gina 7 pero hindi satisfied si thor sa 7, at sabi pa nito, hindi daw ito naniniwala sa long courtship. Mahabang katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa. mayamaya ay nagsalita si gina.
"Sa totoo lng hindi ko talaga alam kung ano ang nararamdaman ko para sayo, inaamin ko magaang ang loob ko sayo, pero di ako sigurado kung ang pakiramdam na yuon ay pagmamahal bilang girlfriend at boyfriend, maaring turing kapatid o tito kaya." Paliwanag ni Gina, ang totoo wala pa sa isip niya ang pagkakaroon ng boyfriend sa edad niyang katorse, wala pa siyang plano.
Umalis ng hapon na yun si thor, naghiwalay sila ni gina na alam nilang tapos na, na hanggang duon na lng sila.
Kinuwento ni gina sa mommy niya ang mga pangyayari.
"Ayaw mo ba sa kanya?" tanong ng mommy niya.
"Hindi nmn sa ayaw, pero di ko rin siya type." sagot nmn niya.
"Hindi ka ba nanghihinayang sa kanya, tapos na ng pagaaral at may disenteng trabaho, kaysa nmn sa kasing edad mo."
"Ewan ko ba, di na babalik yun."
"Bakit di mo subukan, subukan mong magboyfriend, para alam mo diba." Sabi ng mommy niya.
"Pero hindi na babalik yun my,"
"Ako bahala, basta pag bumalik sabihin mo sinasagot mo na siya , okay?"
Nagkibit balikat lamang si gina, sa totoo lang medyo naexcite siya sa sinabi ng mommy niya, marami siyang classmate na tinatago at nililihim ang pakikipagrelasyon sa mga magulang, eto siya at ang mismong mommy niya pa ang nagbibigay basbas na makipag boyfriend siya, sino siya para tumangi sa bagong karanasang iyon, bagaman si John pa rin ang gusto niya.
July 4, 1994, 12 pm Martes dumating si thor sa bahay nila,
"Pumunta mommy mo sa hospital."
"Anong sabi?"
"Sinabi na nanalo daw ako sa karera."
"Karera?"
"OO, sabi ko nga, hindi ho misis."
"tapos?"
"sabi niya, 'nanalo ka pala kay gina'"
"Ganun?"
Tumahimik silang dalawa.
"Mahal mo ba ko?" tanong ni thor.
Tinaas ni gina ang dalawang kilay niya bilang pagsagot. nakita niyang ngumiti si thor.
Magkatabi sila sa upuan sa sofa sa ilalim ng hagdanan, breaktime lang nila thor , humarap sa kanya si thor at hinalkan siya sa labi,
Pakiramdam ni gina gusto niyang umiyak, hindi ang inaasahan niyang tulad ng mga nasa pocketbook ang naramdaman niya, yung bang parang may fireworks, gusto niyang umiyak , dahil nahalikan na siya, kahit dampi lang, pakiramdam niya di na siya karapatdapat kay John dahil may nakauna ng halik sa kanya.
Di siya nagpahalata pero natigilan siya, hanggang sa magpaalam si thor sa kanya para bumalik sa hospital.
Pagkaalis ni thor ay nagpakuwento sa kanya ang mommy niya, kinuwento niya na nahalikan siya at gusto niyang maiiyak, sabi ng mommy niya okay lng daw yun.
-------------
Huwebes ng hapon, bisita niya si thor, nakikinig sila ng music, ng halikan siya ulit, nanlaki ang mata ni gina ng bigla na lng damhin ni thor ang kanyang dibdib, tinulak niya ito at umiyak siya, pakiramdam niya ay nabastos siya.
Nasa kabilang upuan siya at patuloy na umiiyak, humihingi naman ng sorry si thor inabot nito ang panyo sa kanya, nakita ng mommy ni gina na umiiyak siya, tinanong ng mommy niya si thor kung bakit, sagot naman ni thor, "Ewan ko po sa kanya.."
Nangako si thor na hindi na daw niya uulitin, not without her consent na para bang siguradong sigurado ito na sa susunod ay papayag na si gina.
-------
No comments:
Post a Comment