Ang lahat ng mababasa ninyo ay hango sa tunay na pangyayari, sadyang iniba lamang ang mga characters:
Si Gina ay isang ordinaryong high school student, para sa kanya napakaboring ng buhay, bakit? sa lahat kasi ng mga classmate niya siya na lng ang walang boyfriend, pero hindi dahil sa wala siyang manliligaw, wala pa lng siyang natitipuhan sa mga ito, dahil ang ultimate crush niyang si jojo ay hindi siya pinapansin.
Kapitbahay niya si jojo at the same time ay schoolmate, katunayan inaabangan niya sa bintana kapag magtatapon na ito ng basura, mula ng mapagdesisyunan niya na crush niya ito ay natuto na siyang manalamin, dati rati pag inuutusan siyang bumili ng pandesal malapit sa bahay nila jojo ay pagbangon niya diretso na sa bakery, pero nagyon ay hindi na, naghihilamos na siya at nag totoothbrush bukod pa sa marunong na rin siyang magsuklay.
Nasa ikalawang taon pa lamang siya ng high school ng magsimula iyon. parang di kumpleto ang araw niya pag di niya nakikita ito, sa likod ng mga notebook niya nakasulat ang " i love you jojo" ngunit gaya nga ng nasa awitin parang hangin lamang siya na nagdadaan as in deadma, pero di rin nmn gumagawa si gina ng move, dahil siyempre kahit head over hills siya dito dalagang pilipina pa rin siya.
Lumipas ang buwan at marami pang buwan na patuloy na deadma ang natatangap niya, hangang sa malaman ni gina na classmate pla ni jojo ang dati niyang classmate nung first year, nakita ni gina kung sino sino ang mga naging girlfriend ni jojo, at wala siyang magawa kundi ang mapabuntung hininga na lng kasi feeling niya wala siyang panama sa mga nagiging girlfriends nito.
Isang araw malapit na nun matapos ang pasukan, karaniwan wala na halos ginagawa ang mga estudyante, (yun ang mga tym na tlagang napakasarap pumunta ng school hehehe) kasama ni gina ang kaklase niya ng makita niya si jane ang classmate niya nung first year na classmate ni jojo ngayon, nabanggit niya kasi dati kay jane na kapitbahay niya si jojo, anyways eto ang mga pangyayari:
Naglalakad si gina at classmate sa may koridor 2nd floor ng school na makita niya si jane
Jane:"hey gina! diba friend mo si jojo?"
Gina:(Nanginig bigla nagkandabulol at nag blush) "ha... ah ...eh..."
Jane: "Kasi nakalimutan niya tong >?>^%%$##^&& niya pwedeng pakibigay na lng sa kanya?"
Gina: (blanko ang isip at nagdidilim na ang paningin dahil kinakapos na sa hangin sa sobrang kaba, di na naintindihan kung ano ang nakalimutan ni jojo, basta ang alam niya may pinabibigay si jane.) "Ah... eh... ano... may inuutos samin si mam... tama oo nga may inuutos si mam " sabay hila sa classmate niya
Bumaba sila at pumunta sa gate ang totoo pauwi na sila, ng biglang.........
nakita niya si jojo sa may gate halatang as in obvious na obvious na may hinihintay , pagkakita sa kanya at nakita siyang walang planong lumapit dito ay umalis na ito.
Ngayon ang tanong!!! Ano ang ibig sabihin ng nangyari????? isa ba itong set up? na kung kinuha niya ang pinabibigay ni jane, maaring hinihintay siya ni jojo at pagkakataon na para masimulan ang isang magandang pangyayari?
Maaari rin bang ginugood time lang siya dahil nahalata na nito na may gusto siya rito?
paano kung ginawa niya yun? ano na kaya ang sumunod na nangyari?
Ngunit di niya ginawa, inunahan siya ng takot kaya habang buhay na niyang tatanungin ngayon sa sarili niya na paano kung?
------------------------------------------------------------------
Wla ng sumunod na nangyari na ganun, sabi nga ng mga kaibigan niya engot daw siya, malay ba niya at kasalanan ba niya kung panghinaan siya ng tuhod, di birong makaharap ang ultimate crush niya no?
lumipas pa ang mga araw at 3rd year na si gina, at tulad ng dati di pa rin nagbabago ang pagtingin niya dito,Si gina nga pala ay isang mahiyaing nilalang, kaya kataka taka na napasama siya sa barkada na puro babae pero mga .... ano nga ba ang right word? hmmm... makakapal ang mukha, as in sa klase ang mga ito ang pasimuno ng ingay at kung ano ano pang kabalbalan, pero nanatiling uncorrupted ang dalisay niyang pag-iisip, meron pang ginawang kontrata ek ek ang mga barkada niya na gagawin ang lahat para isat-isa , meaning pag niyayang mag cutting class sama sama sila dapat, Ngunit! datapwat! lalaong baga! hindi nila napasama si gina sa mga ganun, minsan pa ay kinuha ng mga ito ang ID ni gina para sumama, ngunit di pa rin nila ito naisama, kaya masasabi niyang di maapply sa kanya ang kasabihang "tell me who your friends are, and i tell you who you are ".
Isang araw nagdala ang classmate niya ng camera, ang misyon: kuhanan ng litrato ang mga crush nilang magbabarkada...at take note walang kinalaman si gina sa mga balakin ng mga ito, at ganun nga ang ginawa at so far succesful naman ang mga kuning, ngunit pagdating kay jojo
Ana: "Hi jojo! pwede ka bang makunan ng picture remembrance?"
Jojo: "tsk pa se zerox na naman ang mukha ko." sabay alis.
infairness nakunan naman ni ana si jojo yun ng alng naka side view,
Ngunit ng sinabi ni Ana kay gina ang naging palitan nila ng pangungusap ay nakaramdam si gina ng pagkagalit, napakayabang nmn nito para magsalita ng ganun, may ibang paraan naman ng pagtanggi kung ayaw nito, pero ang pa zerox na naman ay isang malinaw na pagpapahayag ng kayabangan!!!!
sinabi ni gina na turn off na siya, ngunit ang totoo sa loob loob niya ay nasaktan siya dahil kahit di siya mismo at picture lang ang inayawan, she felt rejected.
And so she decided and told her friends na galit na siya dito ,tuwing makikita niya ito ay iismiran na niya ito, maybe she thought na mas madaling dalhin ang galit, rather than the pain of rejection, but she knew herself very well... she knew she never stop loving him.
----------------------------
Si gina ang naghahatid sa younger brother niya sa school, dumadaan siya sa long cut, l"ong cut" kasi mas malayo yun, dahil pag dumaan siya dun makikita niya si jojo,
One very lovely morning pagkahatid niya sa kapatid niya , pauwi na siya ng makasalubong niya si jojo, siyempre she put the cold face as her facade and made a hay!-naku-nasira-nanaman-ang araw ko-dahil-nakita-kita look,which is palagi niyang ginagawa pag nakikita ito, then just like she always do paglampas nito bibilang siya ng tatlo and she will turn around to look back at him, but the moment after she end up counting to three they look back at the same time, na nginig ang pagkatao niya,at kinilig ang kaluluwa niya nanginig dahil napahiya siya, kinilig dahil nilingon siya nito...
At napakaganda ng araw niya... at gaya rin ng dati wala n nmn sumunod na pangyayari....
At natapos ang high school walang nangyari, at wala siyang naging boyfriend.
At nang dumating ang bakasyon....
___________________________________________________________________
No comments:
Post a Comment